J;

Ikaw na marahil ang bukod-tangi sa lahat ng babaeng nakilala ko
Ikaw ‘yong babae sa likod ng pagbangon ko
Ikaw ‘yong babae sa likod ng mga letrang ‘to
Ikaw ‘yong babae sa likod ng paghikbi ko
Ikaw ‘yong babae sa likod ng pagkalungkot ko
Ikaw ‘yong babae sa likod ng pagngiti ko
Ikaw ‘yong babae sa likod ng pagpupuyat ko
Ikaw ‘yong babae sa likod ng pagsaya ko
At ikaw rin ‘yong babae sa likod ng mga kirot sa puso ko
Ikaw ‘yong babae sa likod – na dati ay hindi ko pinapansin ngunit sa ngayon ay kumakain na ng malaking porsyo sa PUSO ko
Oo! Ikaw! Ikaw ‘yong babaeng sumasakop sa puso ko
At ako naman ‘yong simpleng lalaki lamang sa harapan
Isang simpleng lalaki na binigyan mo ng ngiti no’ng unang beses mong kinausap
Pero ngayon? Wala na Limitado na ang salita at ang boses kong naririnig mula sa’yo
Dahil ayaw mo na din akong kausap
O marahil ayaw mo lang talaga bumuo ng pangungusap
Sabagay, ako’y isang simpleng tao lang naman para sa’yo
Habang ika’y napaka-espesyal sa akin
Dahil kaya kong gumawa ng mga imahinasyon na kasama ka at hawak-hawak ang iyong mga kamay habang tinatahak natin ang madilim at nakakatakot na daan patungo sa ating paroroonan

Oo. Ako pa din ‘to. Ang lalaki na sa iyo’y palihim na nagmamahal at nasasaktan tuwing nakikita kang malungkot.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s