Ang paglalarawan niya sa kanyang sarili

Nakilala mo na siya bago ka pa niya makilala
Nakita mo na siya bago ka pa niya makita
Nakausap mo na siya bago ka pa niya makausap
Nakasama mo na siya bago ka pa niya makasama
Lumuha na siya bago ka pa niya paluhain

Gamit-gamit ang imahinasyon sa pang araw-araw;
Ang lahat nang ito’y nangyari na bago pa man siya dumating sa buhay mo
Inunahan niya na ang panahon upang sa gayon ay makapaghanda siya sa sakit na kanyang madadama sa pagdating mo

Alam niya rin ang mga bagay-bagay na ginagawa mo;
Ang paghihilamos mo tuwing ika’y lumuluha
Ang pagligo mo sa tuwing ika’y hahagulgol ng iyak
At ang paglayo mo sa tao tuwing naiinis ka sa sarili

Alam niya lahat. Oo, alam niya ang lahat
Mula sa maliit hanggang sa malaking impormasyon ng buhay mo
Inalam niya ang lahat dahil sa kagustuhang masmakilala ka Pero nagkamali siya
‘Di ka pa din pala niya kilala Dahil sa isip mo ay may isang parte na hindi niya nagawang pasukin
Ang madilim na parte ng isip mo na walang kayang magtagal bukod sa’yo
Pero sinubukan niyang pumasok
Pero kahit anong pagpupumilit niya ay hindi ito bumukas, bagkus lalo lang nagsara ang parte na ito ng kanyang isipan Marahil ito ang parte ng kanyang isipan na ayaw niya nang balikan
Ayaw niya nang balikan dahil puro sakit at pighati lang ang mayro’n dito
Dahil tuwing babalikan niya ito ay naaalala niya ‘yong ‘Bagong Bayan’ kung saan siya unang dinala ng kanyang iniibig habang binibigkas sa harap niya ang mga mabulaklak at matatamis nitong mga salita At ang ‘Bagong Bayan’ din siguro ang lugar kung saan siya iniwan at binitiwan habang hawak-hawak pa niya ng mahigpit ang iyong mga kamay

Nagbago ang lahat sa kanya sa pagkawala mo;
Ang tubig ay napalitan ng kape
Ang damit niyang puti ay naging itim
Ang mga tipo niyang pagkain ay nagbago din

Nagbago. Nawala. Napalitan Mga salitang sinikmura niya sa paglipas ng panahon na hindi ka na niya kasama

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s