Hindi ko alam kung paano at saan nagsimula ang lahat ng ‘to
Mula sa pagkahumaling at pagkahulog sa’yo
Sa pagsusulat ng mga obrang tula at kung ano-ano pa
Sa mga palihim na pagnakaw ng tingin sa’yong mga kumikinang na mata
At hanggang sa mapuno ng ngiti ang aking isipan na ikaw ang may kagagawan
Hindi ko pa din mawari kung ano ang dahilan
Kung bakit ikaw
Kung bakit ikaw ang hanap sa pang araw-araw
Hindi ko alam kung anong espesyal na katangian mayro’n ka
At nawawala sa katinuan tuwing nakikita ka
Tanging ligaya ang dala mo sinta
Sana ‘wag ka nang mawala pa
Advertisements