No’ng Iniwan mo Ako

Naaalala ko pa din
Naaalala ko pa din ‘yong tulay kung saan mo ako iniwan
Iniwan mag-isa habang binabaybay ang daan palayo sa’yo ka(ibigan)
Ka(ibigan), hinayaan mo akong maglakad mag-isa kahit wala sa katinuan

Naaalala ko pa din
Ikaw kaya naaalala mo pa?
Linggo no’n nung pinuntahan kita
Pinuntahan kita dahil ang sabi mo ay nalulungkot at gusto ng makakasama

Sa kagustuhang makita ka ay hindi na nag-atubiling humindi
Hindi na din inisip ang problema na aking makakasalubong  kahit dis-oras na ng gabi
Nagmamadaling nagbihis at nag-antay ng masasakyan patungo sa’yo, ka(ibigan)
Patungo sa iyong tahanan.

Pagkatanggap mo sa aking mensahe ay ang pagmamadali mong paglabas sainyo
At muntik ka na ngang masubsob sa harap ko
Pero bukod pa do’n ay ang agad mong pagyakap sa akin
Pagyakap mo na mahirap kalimutan
Pagyakap mo na hinahanap-hanap sa tuwing ika’y masisilayan
Pagyakap mo na tumatak sa puso ko
Pagyakap mo na alam kong ligtas ako
At ang pagyakap mo na sumira sa mundo ko

Oo! Sumira sa mundo ko dahil alam kong hindi ako ang laman niyang puso mo
Na hinahanap mo lang naman ako kapag may pagtatalo kayo
Ako ang naging sandalan mo
Habang ikaw ang naging tahanan ko

Pero kahit na gano’n ay ayos lang
Dahil alam kong minahal mo din naman ako
Dinig ko ang tinibok ng puso mo
Ngunit hindi ang pangalan ko at hinding-hindi naging ako

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s