J

WALANG MAGAGAWA ‘YONG NAKARAAN NIYA KAPAG PINARAMDAM MO SA KANYA NA MAAARI MO SIYANG SAMAHAN MULA SA KASALUKUYAN HANGGANG KATAPUSAN

Advertisements

ANINO

image

Kumusta?

Nasa likod mo lang ako
Nagbabantay sa’yo

Sa bawat paglalakad mo ay nakasunod ako
Habang tinatahak mo ang madilim at
nakakatakot na daan patungo sainyo

Nasa likod mo lang ako, nag-hihintay na sana
ako nama’y mapansin mo
Nasa likod mo lang ako, nagmamanman sa mga
taong nakakasalubong mo

Ako ang ANINO mo na kahit kailan
ay ‘di mo nagawang mapansin o bigyan ng tingin
Ako ang ANINO mo na hindi kayang magsalita
Ako ang ANINO mo na hanggang sunod na
lamang sa’yo
Oo! Ako ang ANINO mo na kahit kailan ay ‘di
mo mararamdaman dahil AKO NGA AY ISANG
ANINO LAMANG PARA SA’YO

Sabagay… hindi nga pala ako totoo kung walang liwanag
na gawa mo
Dahil nabubuo lang naman ako kapag may liwanag mo at
kapag nawala na ang liwanag mo ay mawawala na rin ako.

Habang Wala Ka Pa

To The One Who Made My Heart Beat Again

PhotoGrid_1490195683690

Hindi ko maiwasang maisip ka
Sa tuwing makikita ko
Ang mga pusong nagsusuyuan
Sa paligid, sa parke, kahit saan

Hindi ko maiwasang maalala ka
Tuwing masasambit nila
Ang mga salitang
“Mahal kita”

Kaytagal na nga
Na hindi nagkita
Kaylawak na nga
Ng ating distansya

Nakikita kita
Sa mga puting ulap
Na nakalatag sa bughaw na langit
Kaygaan sa puso

Nakikita kita
Sa mga wagas na ngiti
Ng mga estranghero sa daan
Pamilyar

Nakikita kita
Sa bawat pagsikat
At paglubog ng araw
Nakagagalak

Naririnig ko
Ang mga tawa mo
Sa mga huni ng ibon
Sa tahimik na umaga

Naririnig ko
Ang tibok ng puso mo
Sa mga paboritong kanta
Na inalay ko sa iyo

Naririnig ko
Ang ganda ng tinig mo
Isang musika sa pandinig
Daig pa ang ibong adarna

Kaya ito ang pangako ko
Na maghihintay ako
Na makita ka
Sa wakas

Maghihintay ako
Na masilayan ang ngiti mo
Marinig…

View original post 193 more words

Sa Likod at sa Tabi mo

Ako ‘yong bata sa likod na laging nasa dulo
Ako ‘yong bata sa likod na laging nakayuko
Ako ‘yong bata sa likod na hindi kumikibo
Ako ‘yong bata sa likod na laging nakatingin sa malayo
Ako ‘yong bata sa likod na may isip na magulo
Ako ‘yong bata sa likod na may binubuong sariling mundo
Ako ‘yong bata sa likod na yumayakap ng malulungkot na mga konsepto

At
Ikaw naman ‘yong babae sa tabi ko na nagbigay sa akin ng maraming dahilan;
Dahilan kung paano magsalita
Dahilan kung paano makisalamuha
Dahilan kung paano tumawa
Dahilan kung paano maging masaya
Dahilan kung paano makadama
Dahilan upang magkaroon pa muli ang buhay ng mga hiwaga

Sinamahan kita

Sinamahan kita, mula sa pag-upo hanggang sa paglalakad Sinamahan kita, mula sa pagsakay hanggang sa paglalakbay
Sinamahan kita, mula sa paghahanap ng kanta hanggang sa pag-awit Sinamahan kita, mula sa pagbabasa hanggang sa pagsulat
Sinamahan kita, mula sa pagkain hanggang sa pag-inom Sinamahan kita, at sinasamahan pa din kita hanggang ngayon

Sa bawat pagkakataon ay sasamahan at sasamahan pa din kita kung maaari
Dahil ayaw kong may makaligdaan na pagkakataon na maging masaya kasama ka